Muling nagpakilig sina Barbie Forteza at David Licauco sa kanilang teaser photo na magkayakap habang natutulog para sa upcoming Kapuso series na “Maging Sino Ka Man.”

Sa Instagram ng GMA Network, na makikita rin sa Unang Balita nitong Martes, pinusuan ng netizens ang naturang larawan nina Barbie at David.

Si Barbie, ginawang unan ang dibdib ni David, habang yakap naman ng aktor ang aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Ang "Maging Sino Ka Man" ang follow-up project ng love team nina Barbie at David matapos silang magpakilig bilang sina Klay at Fidel sa "Maria Clara at Ibarra.

Remake ng pelikulang "Maging Sino Ka Man" ang bagong TV series nina Barbie at David.

Ang pelikula ay pinagbidahan noon ni Sharon Cuneta at Robin Padilla, na senador na ngayon.

Inihayag ni Barbie na naging mas close pa sila ni David dahil sa mga sunod-sunod nilang proyekto.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News