GMA Logo Barbie Forteza, Alden Richards
What's on TV

Barbie Forteza, bumilib kay Alden Richards sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published June 25, 2024 3:28 PM PHT
Updated July 3, 2024 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, Alden Richards


Ang 'Pulang Araw' ang pinakaunang teleserye na pagsasamahan nina Barbie Forteza at Alden Richards.

“Ang saya kasi natututo ako ng ibang klaseng proseso.”

Ganito inilarawan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang work dynamics nila ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa kanilang pinagbibidahang family drama na Pulang Araw.

Bagamat matagal na ring magkaibigan sina Barbie at Alden, ito ang pinakaunang serye na kanilang pagsasamahan.

Kuwento ni Barbie sa GMANetwork.com, bumilib siya sa proseso sa pag-arte ni Alden.

Aniya, “Ang na-discover ko kay Alden, dahil first time nga namin magkatrabaho sa teleserye ay magkaiba kami ng proseso. So medyo no'ng umpisa medyo may adjustment nang konti. Magkaiba kami, ako kasi pagka nasa set na ako, gusto ko niraramdam 'yung set, gusto kong nakikita 'yung environment para 'di ba pag nagawa ko 'yung eksena, aware ako sa baka may puwede akong i-add sa nuance ko na naroon sa set, ganyan or the feels or 'yung mga eksena ganyan.

“Si Alden naman baligtad, ayaw naman niya ng ganon. Very in the moment kasi si Alden, very raw kasi lahat ng nararamdaman niya, very organic lahat ng emosyon niya.

“So 'pag nasa set naman siya sobrang kulit hinaharot niya talaga lahat, as in wala siyang pinipili from the crew, to the artists, to the director, to the staff, lahat hinaharot niya pero kapag narinig na namin 'yung 'Action!' in character na siya agad, ganon naman siya.”

Dagdag pa ng aktres, “So parang ako no'ng unang magkaeksena kami, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kasi ako mahilig, nasanay ako na dapat medyo ready na ako. Nagpe-prepare na ako, niraramdam ko na 'yung buong eksena ganyan. Siya naman, baligtad, nape-pressure naman siya kapag ganon, so mas gusto niya na kulit-kulit muna para 'pag action, fresh lahat ng mararamdaman niya.”

Ayon pa kay Barbie, enjoy siya na makasama si Alden sa set at natututo rin siya rito ng ibang proseso sa acting.

“So 'yon pero grabe, sobrang enjoy, napakasayang kasama ni Alden. Ang saya kasi natututo ako ng ibang klaseng proseso, medyo mahirap nga lang 'yung ginagawa niya (laughs) kasi syempre ang hirap maging character nang bigla biglaan, but I guess that's Alden 'di ba? I mean mahusay na siya as he is, so 'yon.”

Gaganap bilang magkapatid sa ina na sina Adelina at Eduardo Dela Cruz sina Barbie at Alden sa Pulang Araw.

Kasama nina Barbie at Alden sa serye ang kapwa Kapuso stars na sina Sanya Lopez at David Licauco. Mapapanood din dito si Dennis Trillo sa kanyang natatanging pagganap.

Unang mapapanood ang Pulang Araw sa Netflix sa July 26, tatlong araw bago ito ipalabas sa GMA Prime sa July 29.