
Umaani ngayon ng papuri ang Kapuso actress na si Barbie Forteza dahil sa kanyang husay sa pagganap bilang si Klay sa high-rating historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra sa GMA.
Ang karakter ni Barbie na si Klay ay isang Gen Z na nursing student na napunta sa mundo ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Ang kanyang pagpasok sa naturang nobela ay sinadya ng kanyang propesor na si Mr. Torres (Lou Veloso) upang maturuan siya ng aral tungkol sa pagiging makabansa.
Unang linggo pa lamang ay hinangaan na ng maraming manonood ang naturang series lalo na ang mga aktor at aktres na gumaganap dito kabilang na si Barbie.
Sa episode 22 ng Maria Clara at Ibarra kahapon, araw ng Martes (November 1, 2022), mas lalong pinabilib ni Barbie ang maraming Kapuso viewers sa kanyang madamdaming eksena nang makita niya sa kulungan si Sisa (Andrea Torres) at ang kanyang emosyonal na pagdarasal sa loob ng simbahan matapos ang hindi makatarungang mga tagpo sa nobela na kanyang nasaksihan.
Sa isang Facebook post ng netizen na si Sidlak, pinuri niya ang husay sa pag-arte ni Barbie sa naturang eksena.
"This is yet the most powerful scene in Maria Clara at Ibarra so far. After witnessing a series of social injustices in Noli, Klay bent her knees in front of Jesus.
"She asked God, 'Lord, nakikinig ka ba talaga? Bakit mo hinahayaan na may mga babae at batang sinasaktan at inaabuso? Your priests are giving you a bad name,'" saad niya sa kanyang post.
Sa gitnang bahagi ng kanyang post, ipinaliwanag din ni Sidlak kung gaano kaimportante ang eksenang ito at ang mga binitawang linya ni Barbie sa usapin ng pananampalataya.
Aniya, "The question of suffering is one of the most difficult questions that man has been struggling with since time immemorial. Even the saints like Job and Mother Teresa asked the same thing. Some call it the 'dark night of the soul.'
"Yes, we have solid theological and philosophical explanations on how to reconcile God's goodness and human suffering (i.e. to bring a greater good). But, suffering still remains a mystery. It's always been incomprehensible. Only through the lens of faith in Christ we can make sense out of it."
Ayon pa sa netizen, humanga siya sa maraming emosyon na ibinigay ni Barbie sa nasabing eksena.
"Forteza showed three main emotions in this scene: sorrow, anger, and disappointment. However, I didn't expect the fourth emotion she showed in the last part - comedy," dagdag niya.
Binigyan niya rin ng papuri ang direktor na si Zig Dulay sa mahusay niyang direksyon ng Maria Clara at Ibarra.
"I was amazed how Zig Dulay, the MCAI director, combined these contrasting emotions without distracting the momentum of the scene. Grabe. Sobrang galing. Bravo!" patuloy niya.
Sa comments section ng kanyang post, maraming netizens din ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon tungkol sa husay ni Barbie.
"Tama ang galing..ang bilis niya mag change ng emotion and facial expression," komento ng isang netizen.
"Pati ako hagulgol sa iyak e! Bravo Barbie Forteza !!!! Galing e, halos lahat ng emotions pasok!," ani ng isang viewer.
"Well, it is also given that Barbie Forteza is a versatile actress," saad ng isa pang fan.
Dagdag pa ng isang netizen, "There are so many reasons why the hype of this series is underway. This is one of a kind. Kudos!"
Samantala, patuloy na subaybayan ang kuwento ni Klay sa mundo ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maaari ring mapanood ng buo at libre via live stream ang Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG MGA TAUHAN SA MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: