
Excited na si Barbie Forteza makatrabaho si Megastar Sharon Cuneta sa kanilang upcoming series na Honor Thy Mother.
Sa 24 Oras report ni Nelson Canlas noong Sabado, May 16, inihayag ng Kapuso Primetime Princess ang kanyang paghanga sa batikang aktres na isa rin sa kanyang mga iniidolo sa industriya.
“Hindi pa kami nakakapagsimula ng taping, sobrang generous niya as to sharing a lot of stories. Ang dami niyang shine-share sa akin. Ang dami kong natututunan sa kanya,” ani Barbie.
Dagdag pa ni Barbie, excited na siyang makapagtrabaho kasama ang Megastar.
“Sobrang gaan na ng loob ko kay Ms. Sharon Cuneta, and I'm really, really excited, and I'm looking forward to [working] with her very soon,” dugtong ng Sparkle star.
Sa isang Instagram post noong April, tinawag na 'dream come true' ni Barbie ang proyekto kasama ang Megastar.
“She was the reason why I wanted to become an actress. Dreams do come true. Beyond excited to work with you po, Ms. @reallysharoncuneta,” sabi ni Barbie sa caption ng post.
Ang Honor Thy Mother ay ang pinakabagong collaborative series ng GMA Network, ABS-CBN, at Dreamworks.
Bukod kina Barbie at Sharon, bibida rin dito sina John Estrada, Khalil Ramos, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, at RK Bagatsing.
RELATED GALLERY: Honor Thy Mother actors, ipinakilala sa storycon