
Isang bagong proyekto ang pinagkakaabalahan ngayon ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Ito ang Honor Thy Mother, ang collab series ng GMA at ABS-CBN na pagbibidahan ni Barbie kasama ang tinaguriang Mega Star na si Sharon Cuneta.
Sa idinaos na storycon para sa upcoming series, ibinahagi nI Barbie sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa kanya kung gaano siya kasaya para rito.
Related Gallery: Honor Thy Mother actors, ipinakilala sa storycon
Ayon sa Kapuso star, bukod sa proud siyang i-represent ang GMA Network, excited din siyang makatrabaho si Sharon at iba pang aktor na kabilang din sa serye.
Sabi ni Barbie, “I am proud. I am very proud to be part of this project. Kita naman natin kung gaano ka-detailed ang buong proyektong ito. It means that… this project, hindi basta-basta.”
“I will not take it for granted, and I'm just so excited to work with everyone. I'm so excited to work on a new production. I'm just very proud to represent GMA, my mother network,” dagdag pa niya.
Samantala, makakasama rin ni Barbie sa proyektong ang kanyang fellow Kapuso na si Khalil Ramos.
Parte rin ng cast nito sina John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, at RK Bagatsing.
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa bagong collab series na ito.