GMA Logo barbie forteza
Courtesy: dreamscapeph IG
What's Hot

Barbie Forteza, may napansin sa pag-arte ni Sharon Cuneta

By EJ Chua
Published June 19, 2026 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: June 19, 2026
9 LTO-13 personnel nabbed for alleged extortion
Why 'Toy Story 5' may be Pixar's most timely film yet

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Inilarawan ni Barbie Forteza ang kanyang idol at 'Honor Thy Mother' co-lead actress na si Sharon Cuneta.

Kasalukuyang abala si Barbie Forteza sa paghahanda niya para sa upcoming series na Honor Thy Mother.

Sa naging panayam ng GMA News kay Barbie, nagkuwento siya tungkol sa isa sa co-stars niya sa serye na si Megastar Sharon Cuneta, na ayon pa sa Kapuso star ay kanyang longtime idol.

Paglalarawan niya sa kanyang co-lead star, “She was never your stereotype bida. Kapag may ganitong line, minsan ide-deliver niya ng umiiyak, minsan hindi.

“Minsan mas quiet at minsan hindi nga siya iiyak eh pero tagos. Ayun 'yung complexity of delivering dialogues,” dagdag pa niya.

Related gallery: Kilalanin ang Honor Thy Mother actors

Sa isa namang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Barbie, inilahad niya kung ano ang first impression niya kay Sharon Cuneta.

Ayon sa kanya, una pa lang ay naramdaman niya agad 'yung warmth ni Sharon bilang isang tao at isa ito sa mga katangian ng huli na hinangaan ni Barbie.

Ang Honor Thy Mother ay ang bagong collab series ng GMA at ABS-CBN kasama ang Prime Video.

Makakasama rin nina Barbie at Sharon sa pagbuo ng serye ang mga aktor na sina Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, at RK Bagatsing.