GMA Logo Barbie Forteza
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Barbie Forteza, open sa pamilya tungkol sa kanyang relationships

By Dianne Mariano
Published May 15, 2024 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan's Animate is asking Pinoy anime fans what they want to see in first PH store
Farm to Table: Classic Pinoy dishes
Gazini Ganados needs 100k votes for MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


“Talagang all throughout the process of puberty, womanhood, nandoon sila to guide me,” ani ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Muling bumisita at nakisaya ang Kapuso star na si Barbie Forteza sa It's Showtime noong Martes (May 14).

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'

Spotted din sa studio ng noontime variety show ang ama ng award-winning actress na si Antonio Forteza. Katunayan, tinanong pa ng TV host-actor na si Vhong Navarro ang tatay ni Barbie patungkol sa love life ng aktres.

“Kayo ho ba daddy, nanaginip din ba kayo na may kachat-chat si Barbie noon kung maaalala n'yo?” tanong ni Vhong sa ama ng Sparkle actress sa 'Expecially For You” segment.

Natanong ito ng actor-host matapos ang diskusyon ng kanyang co-hosts tungkol sa parenting styles, partikular sa pagiging strict o open sa kanilang mga anak pagdating sa pag-ibig.

“Wala naman pong gano'n kasi malaki po ang tiwala ko kay Barbie,” sagot ni Antonio.

Dagdag na tanong ni Vhong, “Hindi po kayo naging mahigpit sa pagbo-boyfriend niya?”

“Kahit po hanggang ngayon,” ani Antonio.

Kuwento naman ni Barbie, bukas siya sa kanyang pamilya tungkol sa kanyang relationships at palagi siyang ginagabayan ng mga ito.

“Ever since, alam ng lahat, ng buong pamilya ko 'yung mga naging crush, naging MU, [boyfriend]. Talagang all throughout the process of puberty, womanhood, nandoon sila to guide me,” aniya.


Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.