GMA Logo Barbie Forteza
PHOTO COURTESY: @janra_ (Instagram)
What's Hot

Barbie Forteza, priority muna ang self love

By Dianne Mariano
Published August 5, 2026 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala at the Canadian Open: Schedule and draw
Threat vs school execs, teacher forces Iloilo school to suspend classes
GMA Kapuso Foundation's Sagip Dugtong Buhay: Celebrates 30 Years of Saving Lives

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Ayon sa award-winning Sparkle star na si Barbie Forteza, nais muna niyang ibuhos ang lahat ng pagmamahal sa kanyang sarili.

Bibida ang Sparkle actress na si Barbie Forteza sa upcoming comedy film na Saving Cherry, kung saan gagampanan niya ang title role na si Cherry.

Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, nagpapasalamat ang award-winning star sa friendship na nabuo nila ng kanyang co-stars sa pelikula.

“Nagkaroon ako ng totoong barkada sa industriya,” pagbabahagi niya.

Ang pagganap ni Barbie bilang Cherry ay ang most mature role raw na kanyang nagawa dahil tumatalakay din ang pelikula sa buhay may asawa at cheating.

Naganap kamakailan ang media conference ng Saving Cherry at kabilang sa mga napag-usapan ay ang eksena ni Barbie sa pelikula, kung saan nakasuot siya ng wedding dress. Dahil dito, tinanong ang cast tungkol sa kanilang dream wedding.

“I wanna get married in Vegas in Vera Wang, para may divorce,” sagot niya.

Ngunit sa totoo, wala pa raw sa isip ni Barbie ang pagpapakasal at priority nito ang self love.

Aniya, “Hindi ko pa iniisip or hindi ko pa hinihiling na magmahal ulit ng iba kasi gusto ko muna ibuhos lahat ng pagmamahal na 'yon sa sarili ko.

“I don't casually date. Date to marry po ako. So not until I'm ready and I'm really really sure of the person I'm gonna go out with, hindi ako nakikipag-date.”

Bukod dito, diretsong sagot ang binigay ni Barbie nang tanungin sa media conference ang cast kung deserve ba bigyan ng second chance ang mga cheater.

“F*** no!” sagot niya.

Related gallery: The acting range of Barbie Forteza