
Kakaibang Barbie Forteza ang matutunghayan at makikilala ng viewers at fans ngayong taon.
Kasabay ng pagtuntong ni Barbie sa edad na 29 sa July 31 ang pag-embrace niya sa adulting stage ng kanyang buhay. Ready na rin siya sa mas mature na roles sa kanyang acting projects.
Ibinahagi niya ang tungkol dito sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel na ipinalabas sa 24 Oras nitong July 27.
Paglalarawan ng Kapuso actress sa pagbibidahan niyang film na Saving Cherry, “A liberating experience for me. It's definitely a different Barbie, a wild Barbie that you have to watch out for.”
“As in may mga medyo-medyo sexy, sexy tayong [scenes] na magaganap,” dagdag niya.
Bukod sa naturang film, kasalukuyan ding abala si Barbie sa upcoming series na Honor Thy Mother.'
Related gallery: Honor Thy Mother actors, ipinakilala sa storycon
Kasama niya sa serye ang tinaguriang Megastar na si Sharon Cuneta , na ayon sa Kapuso star ay longtime idol niya mula noong bago pa siya maging isang artista.
Ang Honor Thy Mother ay ang bagong collab series ng GMA at ABS-CBN kasama ang Prime Video.
Makakasama rin nina Barbie at Sharon sa pagbuo ng serye ang mga aktor na sina Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, RK Bagatsing, at iba pa.
Samantala, co-stars naman ni Barbie sa Saving Cherry sina Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, at Khalil Ramos.