
Kinaaliwan ngayon ng netizens ang pinakabagong hirit ni Baus Rufo sa GMA morning show na Unang Hirit.
Masayang nagbalik sa field si Baus, nitong Martes (June 23), bilang special UH host-mate kasama ang kapwa niyang The People Have Spoken celebri-peep na si Joy Barcoma.
Sa ikatlong araw niya sa programa, bumisita si Baus sa isang palengke para sa segment na Quiz-Sabihan.
Sa gitna ng kanilang kulitan, kapansin-pansin ang ipinakitang wittiness at hosting skills ng Dogshow Divas host.
"Mga tubig alat na isda gaya ng tamban, galunggong, banak, alimasag, lapu-lapu, tanigue, talakitok, pusit, pampano, at tambakol," diretso niyang sinabi na napahanga ang viewers.
May ilan din siyang witty remarks, kabilang ang, "'Pag may gusto, may paraan. Kapag ayaw, gets naman."
Hindi nagtagal, naging usap-usapan online ang naturang segment. Nakisabay rin si Baus sa kulitan ng kunwari raw na kaharap niya si crush na mahilig sa marine biology.
Mas nadagdagan pa ang katuwaan nang magkomento rin mismo ang official page ng Unang Hirit.
"Na para bang taga 'Born to be Wild' ang atake," biro nila sa post na naka-tag pa sina Doc Ferdinand Recio at Doc Nielsen Donato.
Pabirong sagot naman ni Baus sa isang post, "Naka-performance improvement plan kasi."
Nakisali rin sa kulitan ang ilang celebrities, kabilang sina drag queen Marina Summers at kapwa celebri-peep na si Janeena Chan.
Matatandaang naging usap-usapan si Baus kamakailan matapos ang kaniyang unang live guesting sa morning show, kung saan nakalimutan niyang tawagin ang mga manonood na "mga Kapuso."
Bukod sa Unang Hirit, patuloy ring naghahatid ng good vibes si Baus bilang celebri-peep sa bagong game show na The People Have Spoken, tuwing Sabado.
Kilalanin pa si Baus Rufo sa gallery na ito: