GMA Logo bb gandang hari as rustom padilla
What's Hot

BB Gandanghari, nagbalik-tanaw sa karanasan bilang Rustom Padilla, "Never naka-experience ng discrimination 'yun."

By Aedrianne Acar
Published May 23, 2020 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bb gandang hari as rustom padilla


Ibinahagi ni BB Gandanghari ang mga pagbabago sa pakikitungo ng mga tao sa kanya nang maging transwoman, "Wala sa kulay, wala sa pagka-Pilipino ang racism, di ba?"

Ibinahagi ni BB Gandanghari ang mga na-experience niyang pagbabago nang mag-transition na siya bilang isang transwoman.

Sa kanyang bagong vlog na "Mornings with BB.14," diretsahan sinabi ni BB na kung may choice siya, masarap daw maging lalaki.

Paliwanag niya, "Kung mayrun akong choice napakasarap maging lalaki kung tutuosin.

"Sinabi ko na ito noon. Nabuhay ako bilang lalaki that is why! That is why I love my life. That is why I embrace my life.

"Kasi, at least, may pros and cons ang buhay, kahit sabihin mo na hindi man ako nagkaroon ako ng teenager life as BB, pero nagkaroon naman ako pagkakataon na mabuhay na maging lalaki."

Sa pagpapatuloy ni BB, nabanggit niya na noong siya ay nabubuhay bilang si Rustom Padilla, never daw ito nakaranas ng anumang uri ng diskriminasyon.

Pagbabalik-tanaw nito, "At nakita ko at naramdaman ko na napakaiba, si Rustom bilang lalaki never naka-experience ng discrimination 'yun, kahit saan magpuntang parte ng daigdig.

"Nung una pumunta 'yan sa Australia, because nagta-trabaho siya sa PAL so marami siyang, siyempre benefit namin ang bumiyahe noh. Vacation ito, hindi work, ah.

"Everyone were saying, "Naku, Australia, sobrang racist diyan, discriminatory sila sa Asian, everything.

"Si Rustom hindi [nakaranas ng ganun], kahit saan siya magpunta kinakausap siya nang maayos ng mga kausap niya.

"Hindi ko alam kung sa pagiging lalaki niya ba 'yun.

"And even dito sa LA, when he was here in 2002, grabe, para siyang magnet sa tao.

"Hindi ito sa pang-Pilipino, nag-aaral siya sa UCLA ng film. Grabe ang mga barkada nun."

Subalit nang mag-simula na raw siyang mag-transition, ramdam na ni BB na biglang nag-iba na ang pakikitungo sa kanya.

Kuwento niya, "Kaya nakita ko 'yung pagkakaiba when I transitioned and started assimilating in the society as I am, grabe!

"Ngayon, ignored. Kaya 'yun 'yung sinasabi ko [inaudible], especially so na hindi yan nangyari ever. Wala sa kulay, wala sa pagka-Pilipino ang racism, di ba?"

Kaya naman dasal daw ni BB, "Kaya even then my prayer was if this my truth. Please Lord help me embrace it."

BB Gandanghari, sinabing napakadamot ni Robin Padilla sa 'emotional support'

BB Gandanghari opens up about current status with former wife Carmina Villarroel