GMA Logo Bea Alonzo and Dominic Roque
What's Hot

Bea Alonzo at Dominic Roque, nahuling magka-holding hands sa isang restaurant sa Amerika

By Dianne Mariano
Published July 22, 2021 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and Dominic Roque


Todo ang kilig na nararamdaman ng fans para kay bagong Kapuso star Bea Alonzo at ang kanyang rumored boyfriend na si Dominic Roque.

Tuloy-tuloy ang pagpapakilig nina bagong Kapuso actress Bea Alonzo at ang kanyang rumored boyfriend na si Dominic Roque nang makita sa isang larawan na sila'y magka-holding hands.

Sa isang Instagram post ni Raniel Resuello, makikita na magkakasama ang tatlo sa isang restaurant at ipinagdidiwang ang ika- 31 na kaarawan ni Dominic.

Nakalagay sa caption, “Happy birthday brother @dominicroque!”

A post shared by Raniel Resuello (@raniel_resuello)

“Enjoy kayo team #TiNik tayo”

Kitang-kita sa litrato na magka-holding hands sina Bea at Dominic habang naka-ngiti.

Nagpasalamat naman ang aktor sa kanyang kaibigan sa comments section.

Aniya, “Thanksss partnerrr”

Ngayong araw, Hulyo 22, nag-post si Bea Alonzo na siya ay kasalukuyang nasa Yosemite National Park sa California.

Sa kanyang Instagram stories, makikita na kasama niya sina Chef Aris Tuazon at Dominic Roque na may hawak na tongs.

Ibinahagi rin ni Dominic sa kanyang Instagram stories na kasama niya ang aktres sa naturang lugar at nag-iihaw ng seafood.

Muli, hindi ito pinalampas ng kanilang fans at supporters at ni-repost ng isang fan account ang naturang video.

A post shared by Beadom Alonzo Roque (@beadom.officialfans)

Isinulat nito sa caption, “Nakakaaliw tawa ni @beaalonzoo”

“Tawang tawang bei.. Benta mga jokes mo Chef @culin_aris hehehe.. Enjoy your camping po @beaalonzo @dominicroque”

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Dominic sa kanyang Instagram stories na kasama niya si Bea sa mismong kaarawan niya at todo kilig naman ang kanilang fans.

Noong Hulyo 15, nakita ang dalawa na dumalo sa baby shower ng anak ni dating aktres na si Beth Tamayo sa San Francisco, California. Si Dominic ay pamangkin ni Beth.

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang pagkaka-pareho ng mga lugar na pinupuntahan nina Bea at Dominic base sa kanilang posts sa Instagram.

Dagdag pa rito ang nakakakilig na comments ng aktor sa mga posts ni Bea.

Noong Hulyo 9, nagtungo ang bagong Kapuso star sa Amerika upang mag-bakasyon bago simulan ang bagong yugto ng kanyang career.

Nagtungo rin sa naturang bansa si Dominic Roque.

Ngunit hindi isinapubliko ni Bea kung sino ang kasama niya sa Amerika.

Tingnan ang mga nakakakilig na mga larawan nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa gallery na ito: