
Sa darating na October 17, ipagdiriwang ng Start-Up PH lead star na si Bea Alonzo ang kaniyang 35th birthday.
Ngunit bago pa sumapit ang petsang ito, nakatanggap si Bea ng maagang birthday surprise mula sa kaniyang co-stars at buong team ng Start-Up PH.
Sa segment ng 24 Oras na Chika Minute na ipinalabas kagabi, October 13, mapapanood ang isinagawang sorpresa nina Alden Richards at cast ng serye para sa tinaguriang This Generation's Movie Queen.
Habang nasa set ng bagong GMA drama series, si Alden, may paflowers, cake, at balloons pa para sa kaniyang leading lady.
Labis na nagulat si Bea dahil akala niya ay parte lamang ng isa sa kanilang mga eksena ang kaniyang nasaksihan.
Ayon kay Bea, “Naloka ako kasi sabi nila, 'reaction si Bea, reaction si Bea,' eh wala namang camera sa harapan ko. Sabi ko, 'Huh? Hindi kaya nasa likod 'yung camera ko paano…' Then 'yun pala, nag-prepare sila ng flowers, cake, stuff toy and balloons for me."
Kasunod nito, may pa-dinner treat ang aktres sa buong production team ng Start-Up PH.
Pahayag naman ni Alden, “In-all in one na lang natin 'yung celebration. There's a lot of reasons to celebrate naman like our successful last day [taping], tapos birthday ni B [Bea], and 'yung samahan din… we celebrated it, sabay-sabay na.”
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Bea, sinabi niyang wala siyang magarbong plano para sa paparating niyang kaarawan. Pero ayon sa aktres, ilang araw daw matapos nito ay magta-travel sila ng kaniyang pamilya patungong Spain dahil may kailangan siyang asikasuhin doon.
Sabi niya, “I will be here for my birthday… after ng birthday ko pupunta kami sa Spain so baka doon na ako mag-post birthday celebration…”
Panoorin ang early birthday surprise ng Start-Up PH team para kay Bea sa video na ito:
Samantala, kasalukuyang napapanood ngayon ang Kapuso actress bilang si Danica “Dani” Sison, isang babaeng nagsisikap para maabot ang kaniyang pangarap na maging isang CEO ng sarili niyang kumpanya.
Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.
Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: