GMA Logo Dominic Roque and Bea Alonzo
Courtesy: dominicroque (IG)
What's Hot

Bea Alonzo, inihalintulad sa pelikula ang love story nila ni Dominic Roque

By EJ Chua
Published August 1, 2023 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Roque and Bea Alonzo


Bea Alonzo sa relationship nila ni Dominic Roque: “For me, this is like a movie, too. It's just like, this time, I have a happy ending.”

Napanood si Bea Alonzo sa ilang romance-drama movies at television shows na ang kaniyang roles ay kadalasang sawi sa pag-ibig.

Kaya naman nang makita na niya ang kaniyang "the one" sa totoong buhay, para sa kanya ay tila nasa isang pelikula pa rin siya ngunit mayroon na itong masayang istorya.

Nang bumisita ang newly-engaged couple na sina Bea at Dominic Roque sa Kapuso Mo, Jessica Soho, masayang inihalintulad ng aktres ang love life niya ngayon sa isang movie.

Pagbabahagi ni Bea, “For me, this is like a movie, too. It's just like, this time, I have a happy ending.”

Kasunod nito, ibinahagi ng dalawa kung paano nagsimula ang nakakakilig nilang love story.

Ayon sa naging panayam ni Jessica Soho sa couple, nagsimulang pumara-paraan si Dominic sa aktres noong 2019 nang magpresenta siyang sumama sa Japan trip ni Bea.

Sa naturang trip, si Dominic ang nakasama ni Bea nang hindi makasama ang kaibigan ng aktres dahil sumama ang pakiramdam nito.

Nang magkasamang sumakay ng tren sa Japan sina Bea at Dominic, doon na raw nagsimula ang lahat.

Kwento pa ni Bea, tila nasa isang Korean drama series silang dalawa habang magkasamang namamasyal sa ibang bansa.

Matapos nito, kinailangan na raw umuwi ni Dominic sa Pilipinas at doon na nakaramdam si Bea na labis na pagkalungkot dahil sa pag-alis ng una.

Mula sa moment na iyon ay naramdaman na ni Bea na mayroon siyang espesyal na nararamdaman kay Dominic.

Pagbabahagi ni Bea, “After that train ride, nagkamalisya na… Kinailangan na niyang umuwi, seriously nalungkot ako nung aalis siya. Sabi ko, bakit ako nalulungkot na aalis siya. Parang type ko yata siya.”

Matapos nito, nagtuluy-tuloy na ang kanilang komunikasyon hanggang sa tuluyan na silang maging magkasintahan.

Apat na taong naging magkasintahan sina Bea at Dominic bago maganap ang kanilang engagement.