What's Hot

Bea Alonzo, nagpasalamat sa mga sumubaybay sa kanya sa 'KMJS'

By Dianne Mariano
Published July 8, 2021 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Six hotels earn France's prestigious 'palace' label
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo on kmjs


Taos-pusong pasasalamat ang hatid ni Bea Alonzo sa mga nanood ng kanyang first-ever guest appearance sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Ibinahagi ni bagong Kapuso actress Bea Alonzo ang kanyang pasasalamat sa mga taong nanood ng kanyang unang guest appearance sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ang 33-year-old na aktres ay ang espesyal na celebrity guest sa episode ng KMJS noong nakaraan na Linggo.

Sa Instagram post ni Bea Alonzo, ipinakita niya ang kanyang napakagandang selfie at kitang-kita sa background ang mga naglalakihang mga puno at mga alagang baka sa kanyang farm sa Zambales.

Sinulat niya sa caption, “Happy Heart”

“Big THANK YOU to everyone who watched my @km_jessica_soho guesting (my first guesting as a KAPUSO) and for making it trend!!”

Masaya rin na ibinahagi ng aktres na marami pa siyang madidiskubre tungkol sa kanyang sarili.

“I am happy that I am taking this step and discovering a lot about myself in the process. Salamat!,” ani Bea.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Bumuhos naman ang mabubuting salita mula sa fans para sa aktres sa comment section ng kanyang post.

Bea Alonzo Comments

Photo courtesy: beaalonzo (IG)

Sa kasalukuyan, umabot na sa 300,000 likes ang post ni Bea sa Instagram.

Sa kanyang first-ever guest appearance sa KMJS, inilibot niya si Ms. Jessica sa kanyang napalaki at napakagandang 16-hectare farm land sa Iba, Zambales.

Sa one-on-one interview naman ni Bea, naghatid din ng mga mabubuting mensahe ang kanyang pamilya at katrabaho para sa kanyang bagong career.

Inilahad rin ng aktres ang rason kung bakit siya lumipat sa GMA Network pagkatapos ng dalawang dekada niya sa showbiz.

Ibinahagi rin ni Bea ang kanyang buhay noong bata pa siya at kung paano siya ipinalaki ng kanyang nanay na si Mary Anne Ranollo.

Naging isang ganap na Kapuso si Bea Alonzo noong July 1 at pinirmahan niya ang kanyang kontrata sa Edsa Shangri-La sa lungsod ng Mandaluyong.

Tignan muli ang behind-the-scenes na mga litrato ni Bea Alonzo sa kanyang first guesting sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa gallery na ito: