
Tila naging isang online life coach ang Kapuso actress na si Bea Alonzo kamakailan sa Instagram trend na 'ask away,' kung saan sinagot ni Bea ang mga katanungan ng ilang mga netizens.
Bukod sa kanyang love life at career update, humingi rin ng payo sa aktres ang ilang fans patungkol sa tamang disiplina sa pera at paano mas maging inspired sa buhay sa kabila ng mga problemang pinagdaraanan.
Source: beaalonzo (Instagram)
"Advice to people that having a bad time or breaking down," tanong ng isang IG follower ni Bea.
Malaman at mula sa puso naman ang naging sagot dito ng aktres.
Payo ni Bea, "Kaya mo 'yan. It'll all get better. Just have faith. It might not be easy now, but I promise you, one day, you will look back, and you will make yourself proud that you were able to overcome all the obstacles. There's always a rainbow after the rain."
Sa isa pang tanong, hiningan naman ng payo ang aktres kung paano magiging mas responsable at disiplinado sa paghawak ng pera. Ito naman ang naging sagot ng aktres.
Source: beaalonzo (Instagram)
"Never live beyond your means. I mean, it's good to reward yourself once in a while, but I think that the necessities should be a priority. And always save for the rainy days. Invest wisely," ani Bea.
Paliwanag pa ng aktres, hindi naman daw mawawala ang mga luho at mga mamahaling gamit. Pero mas masarap daw sa pakiramdam kung mabibili mo ito nang walang iniisip na bayarin pagkatapos.
Aniya, "Luxury will always be there, and it will feel way better to enjoy it without having to worry about your next credit card bill."
Sa ngayon ay abala naman si Bea sa paghahanda para sa unang serye niya bilang Kapuso at ang unang pagtatambal nila ni Alden Richards sa isang pelikula.
Samantala, mas kilalanin naman si Bea sa gallery na ito: