GMA Logo Bea Alonzo
Source: beaalonzo (IG)
What's Hot

Bea Alonzo shares that she's at her happiest state now

By Jimboy Napoles
Published March 25, 2022 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


"Ang key talaga ay happiness and contentment." - Bea Alonzo

Fresh mula sa kanyang week-long travel sa Madrid, Spain, handa na ngayon si Bea Alonzo na sumalang sa kanyang mga nakapilang proyekto. Kabilang dito ang pelikulang pagbibidahan nila ni Alden Richards at ang kanilang first Kapuso serye na Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up.

Bukod dito, nakiisa rin si Bea sa comprehensive election coverage at advocacy ng GMA Network na "Dapat Totoo" para sa eleksyon ngayong 2022.

Sa kanyang naging panayam dito ay tinanong din ang aktres kung ano ang kanyang sikreto sa pagiging blooming sa kabila ng pagiging abala sa trabaho.

Ayon kay Bea, bukod sa tamang diet at exercise, mas masaya na raw ang estado ngayon ng kanyang buhay.

Aniya, "Feeling ko ang key talaga ay happiness and contentment. I feel like I'm at my happiest now and I'm very content with my life."

Dagdag pa niya, "So parang feeling ko totoo 'yung sinasabi nila e, beauty comes from within."

Makikita naman sa vlogs at social media ni Bea ang kanyang masayang buhay kasama ang pamilya, malalapit na kaibigan, at kanyang kasintahan na si Dominic Roque.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng naging pagbisita ni Bea sa Madrid, Spain kamakailan sa gallery na ito: