
Mas lalong nakilala ng YouTube subscribers ng top beauty vlogger na si Anna Cay ang sinasabing “wind beneath her wings” niya, na walang iba kundi ang mister niyang si Geloy Villalobos.
Matapos ang dream garden wedding nila noong December 7, 2020, nagbigay ng ilang trivia si Anna tungkol sa kanyang partner.
Sa vlog entry niya noong December 31, 2020, nagpaliwanag siya sa ilang tanong tungkol sa kanyang asawa tulad na lang na kung may trabaho ba ito.
Paliwanag ni Anna, “It may look as if walang ginagawa si Geloy pero, 'pag times na ganito, dahil itong pandemic wala naman talagang gaanong [work].
“Wala kaming launches and wala siya masyadong ima-manage online. May mga isyu pa kung ano daw trabaho ni Geloy? Sino ang bumubuhay kay Geloy?”
Ni-reveal ng content creator na siya mismo ang humiling kay Geloy na tulungan siya sa line of work niya at tumigil sa trabaho noong mag-boyfriend at girlfriend pa lamang sila.
Pagbabaliktanaw nito, “Actually, to be perfectly honest, may trabaho si Geloy way before. Pina-stop ko siya for work, dahil sabi ko nga need ko ng help doon sa ginagawa ko online.
“And sobrang suwerte ko na umo-oo siya, since instead na ibang tao 'yung kunin ko, mapagkatiwalaan ko, siya na lang di ba? Dahil katulad ngayon nagkatuluyan naman kami, naging mag-asawa kami.”
Income of Anna Cay's husband
Marami tuloy sa fans ni Anna ang curious kung ano'ng work ni Geloy ngayon.
Dito inisa-isa ng YouTuber ang mga ginagawa ng mister niya sa business side ng kanyang negosyo, na aminado siya na hindi niya “forte.”
Saad niya, “It worked out well for everyone and masaya ako na hindi niya ako tinanggihan doon sa offer ko dati na siya na lang mag-manage ng everything online.
“Kasi 'yung mga 'yun hindi ko talaga siya kaya i-manage, kumbaga ibang forte 'yun, e. Hindi ko forte yun, minsan kailangan mo ma-realize sa sarili mo na hindi mo lang talaga forte 'yung mga bagay na ganun at ibigay 'yun sa mga taong mas makakagawa nang maayos na trabaho.
“Geloy is the mind behind my YouTube channel. Siya 'yung naglalagay ng tamang pricing na hindi kami taga sumingil sa mga gustong magpa-advertise, magpa-promote sa amin.
“And hindi naman ako naagrabyado. Siya 'yung online, anything na may kinalaman sa numbers siya talaga yun, because he was an an analyst before.”
Isa sa pinaka-popular na beauty content creator si Anna Cay na mayroong mahigit sa 900,000 subscribers sa YouTube, samantala ang kanyang official Instagram account ay may 411,000 followers.
Silipin naman ang ang naipundar na condo unit nina Anna Cay at Geloy Villalobos sa gallery below.
Anna Cay's cinematic SDE wedding video a hit among YouTube users