GMA Logo Ang Mister Na Walang Misis
What's on TV

Benjamin Alves at Max Eigenmann, bibida sa collab episode ng '#MPK' at GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published November 23, 2023 5:23 PM PHT
Updated November 23, 2023 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tricycle na sumabog ang gulong, bumangga sa bus; driver patay, anak niya sugatan
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Ang Mister Na Walang Misis


Bibigyang-buhay nina Benjamin Alves at Max Eigenmann ang espesyal na collaboration episode ng '#MPK' at GMA Kapuso Foundation.

Ang mahuhusay na aktor na sina Benjamin Alves at Max ang Eigenmann ang bibida sa espesyal na pagtatanghal at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "Ang Mister Na Walang Misis," kolaborayson ito sa pagitan ng #MPK at ng GMA Kapuso Foundation.



Gaganap si Benjamin dito bilang Benjie, isang lalaking tinulungan ng GMA Kapuso Foundation.

Inabandona kasi siya at ang kanilang dalawang anak ng asawang si Naty, ang karakter na gagampanan sa episode ni Max.

Lumuwas ng Maynila si Benjie kasama ang mga anak para hanapin si Naty. Aksidenteng mapapadpad siya sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation.

Mahahanap pa ba ni Benjie si Naty? Paano nabago ng GMA Kapuso Foundation ang kanyang buhay?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand new episode na "Ang Mister Na Walang Misis," November 25, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Panoorin naman ang pasilip nina Benjamin Alves, Max Eigenmann, at Juan Rodrigo sa kanilang episode sa exclusive behind-the-scenes video na ito: