What's on TV

Benjamin Alves, usap-usapan ang karakter sa 'Widows' War'

By Kristian Eric Javier
Published July 23, 2024 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA spotted east of Central Luzon; frontal system brings rains to Northern Luzon
Mimiyuuuh on denim: A staple that never goes out of style
Make Your Marc Season 3 Finale: Vegas, Vision, and Filipino Excellence on the Global Stage

Article Inside Page


Showbiz News

benjamin alves


Meron pa nga bang tinatagong sikreto ang karakter ni Benjamin Alves sa 'Widows' War'?

Usap-usapan ngayon ang karakter ni Benjamin Alves bilang Basil Palacios sa hit murder-mystery drama series na Widows' War. Siya ang gumaganap na pinsan ni Paco Palacios, ginamgapanan ni Rafael Rosell, na kailan lang ay pumanaw na sa serye.

Sa panayam niya kay Denise Abante ng GMA Regional TV, kinilala ni Benjamin ang mga writer sa pagbigay ng buhay sa magandang karakter ni Basil.

“It takes a village para gawin po 'yung character ni Basil. The writers are really who brought Basil to life and I really do enjoy my time playing him,” sabi niya.

Naging malaking tulong din umano ang magandang working relationship niya sa kanyang co-actors, lalo na kay Carla Abellana, na gumaganap naman bilang asawa ng kaniyang karakter na si George. Kuwento niya ay matagal na silang magkakilala ng aktres at matalik din na magkaibigan.

“I've known Carla for a long time, she attended my wedding as well so she's been a good friend of mine,” sabi niya.

TINGNAN ANG PAGDALO NG CAST NG 'WIDOWS' WAR' SA NAGANAP NA GMA GALA 2024 SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nakatanggap ng papuri si Benjamin sa co-actor niyang si Bea Alonzo, ang gumaganap naman na Sam at asawa ni Paco sa serye. Una niyang nakatrabaho si Bea sa Widows' War at ani ng aktres, napakapropesyunal ni Benjamin pagdating sa kanilang trabaho.

“He's very professional when he gets to the set, he knows lines, ang galing niya magtahi ng emotions niya and it's very interesting because he has so much control,” sabi niya.

Samantala, napag-usapan din ang iba't ibang outfits ng mga karakter sa serye dahil bukod sa mga personality nila, meron din umanong sinasalamin ang kanilang mga kasuotan. Ayon kay Bea, ang mga suot nila ay parte ng aesthetic ng kanilang show.

“Kasama na du'n 'yung magagandang locations at mga yayamaning set-up, kasama sa production design ang aming mga kasuotan,” sabi niya.

Dagdag pa ni Bea, “As Sam evolves and as she goes through different challenges in this show na talagang agte-test ng character niya, pati 'yung kasuotan niya, pati 'yung make up niya, nag-e-evolve din because mas lalo niyang naa-absorb ang mundo ng mga Palacios.”

Patuloy na subaybayan ang Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.