GMA Logo Benjie Paras in Royal Blood
Photo by: Michael Paunlagui
What's on TV

Benjie Paras, kasama sa star-studded cast ng 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published May 9, 2023 12:15 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Fountain candle' sparklers likely started Swiss bar fire, says prosecutor
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Benjie Paras in Royal Blood


Kilalanin ang karakter na gagampanan ni Benjie Paras sa murder mystery drama na 'Royal Blood' dito.

Kabilang sa star-studded na cast ng murder mystery drama na Royal Blood ang aktor at komedyante na si Benjie Paras.
Inside link:

Sa Royal Blood, makikilala si Benjie bilang Otep, ang bff at takbuhan ni Napoy (Dingdong Dantes) sa lahat ng bagay.

"Ako 'yung bestfriend ni Dong dito. Kapag may problema palagi lang ako naroroon and ako rin 'yung isa sa nag-aalaga nung kanyang anak," sabi ng aktor sa GMANetwork.com.


Ayon kay Benjie, nakaka-relate siya kay Napoy, ang karakter na pagbibidahan ni Dingdong sa serye.

Kuwento niya, "Well as a father also 'yung sitwasyon ni Dong is nakaka-relate ako. Talagang your priority is your kid and you'll do anything for your kid. 'Yun 'yung nakaka-relate ako na kahit na anong hirap, kahit 'yung pride you'll just set it aside para lang sa anak mo."

Si Napoy ay isang mapagmahal na single father na sinisikap maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Siya rin ay bastardong anak ng isang business tycoon na si Gustavo Royales, na gagampanan ng multi-awarded actor na si Mr. Tirso Cruz III."

Masaya si Benjie na muling makatrabaho si Dingdong sa iisang serye, na aniya ay mabait at masiyahing aktor.

"Last time we had a sitcom Bonggang Villa together with Marian. And prior to that it was long time ago when we did first Encantadia, roon kami unang nagkasama sa teleserye ni Dong."

Makakasama rin ni Benjie sa star-studded na cast ng Royal Blood sina Mikael Daez, Megan Young, Rhian Ramos, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, Benjie Paras, Arthur Solinap, Carmen Sarmiento, at Ces Quesada.

Abangan ang Royal Blood, soon sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA PICTORIAL NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: