GMA Logo Jennylyn Mercado with Alex Jazz and Dennis Trillo
What's Hot

#Bessie: Jennylyn Mercado, masayang nakipag-interact sa fans sa Twitter

By Jansen Ramos
Published July 20, 2020 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado with Alex Jazz and Dennis Trillo


Nilinaw ni Jennylyn Mercado na siya mismo ang nakaka-interact ng kanyang fans sa Twitter. Ika niya, "Mga bessie ang kukulit ninyo! Kurutin ko kayo eh."

Kinumpirma ni Jennylyn Mercado na siya ang mismo ang nagha-handle ng kanyang Twitter account matapos makipag-interact sa kanyang fans.

Mahinahong in-address ng Ultimate Star ang akusasyong may admin ang kanyang account, na ginagamit niya para magbahagi ng kanyang mga opinyon tungkol sa kasalukuyang political at social issues sa bansa.

Halimbawa na lang ang tweet ng isang netizen na may handle na imanyuwel. Ayon dito, may trust issues siya sa Twitter account ni Jennylyn sanhi ng pag-disown ni Ethel Booba sa kanyang Twitter account.

Tinawag ng sexy comedienne itong "fake." Nag-trigger ito ng pagkalito sa Twitterverse dahil dati nang prinomote ni Ethel ang nasabing account.

"Nagda-doubt pa rin ako sa twitter ni jennylyn dahil kay ethel booba," tweet ni imanyuwel.

Sinagot ito ni Jennylyn sa pamamagitan ng pag-post ng larawan kung saan makikitang masaya silang kumakain ng hapunan ng kanyang anak na si Alex Jazz, at boyfriend na si Dennis Trillo.

"Oo nga. Ako nga.

"Mga bessie ang kukulit ninyo! Kurutin ko kayo eh," ika niya, kalakip ng isang laughing emoji.

Sa sumunod na tweet, ilang minuto lamang ang pagitan, muling nag-post si Jennylyn ng kanilang masayang larawan.

Sambit niya, "Bulaga!

"Kain na tayo ng dinner bessies.

"Sana masarap ulam niyo palagi ha!"

Bukod pa rito, nag-tweet din si Jennylyn ng isang larawan kung saan kasama niya ang isa sa labindalawa niyang alagang pusa.

Samantala, trending ang salitang "bessie" na term of endearment ni Jennylyn sa kanyang fans online dahil kasalukuyang hot topic ang kanyang mga tweet.