
May sweet bonding moment ang longtime friends na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at comedian-actor na si Norman Balbuena o mas kilala bilang si Boobay.
Sa Instagram ngayong Huwebes, December 22, ibinahagi ni Boobay ang larawan nila ni Marian habang tila nasa isang Christmas dinner.
Sa nasabing mga larawan, makikita na nakayakap pa ang komedyante sa kanyang BFF na aktres at celebrity mom.
“I love you My Love @marianrivera , forever!!! [heart emojis],” caption ni Boobay sa kanyang post.
Sa post na ito agad din na nag-komento si Marian ng kiss emoji.
Matatandaan na noong 2016, isa si Marian sa mga tumulong kay Boobay habang ito ay nagpapagaling matapos isugod sa ICU (Intensive Care Unit) nang magkaroon siya ng mild stroke noon.
Kahit pa nagkaroon na ng maraming pagbabago sa kanilang mga buhay, nanatiling matatag ang pagkakaibigan ng dalawa.
Kasalukuyang napapanood si Marian bilang host ng weekly drama anthology ng GMA na Tadhana habang patuloy naman ang pagpapasaya ni Boobay tuwing Linggo ng gabi sa The Boobay and Tekla Show.
BALIKAN ANG EMOSYONAL NA PANAYAM NOON NINA MARIAN RIVERA AT BOOBAY SA SARAP DIVA SA GALLERY NA ITO: