
Hindi pa man nagtatagal si David Licauco bilang houseguest sa Pinoy Big Brother house, may napansin na agad si Bianca De Vera sa magkaibigang David at Dustin Yu.
Sa episode nitong Miyerkules, May 7, pinuna ni Bianca ang pagkakapareho ni David at Dustin.
"Sobrang same na same kayo ng vibe," sabi ni Bianca kay David.
"Talaga?" sagot ni David.
Ikinuwento ni Bianca na pati na ang tawa nina David at Dustin ay magkapareho.
Hindi napigilan ni Shuvee Etrata na sumang-ayon sa usapan nina Bianca at David.
"Oo nga 'e. Magka-sanggang dikit sila," sabi ni Shuvee.
"Ginaya niya 'ko," biro ni David.
Naitanong din ni Bianca kung paano nagkakilala ang dalawang aktor. Ikinuwento ni David na nagkakilala sila noong 2021 sa GMA series na Mano Po Legacy at inamin na doon sila naging close n Dustin.
"Noon nga, hindi ko siya type 'e. Parang ang gulo kasi iyang kausap 'e pero bata pa 'e," pag-amin ng Pambansang Ginoo.
Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, sinulit ni David ang kaniyang oras para makipag-bonding sa kaniyang kaibigan na si Dustin.
Pumasok si David bilang houseguest nitong Linggo, May 4, isang araw matapos ang ikaapat na nomination night ng programa.
Mapapanood ang pinag-uusapang programa, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, tingnan dito ang friendship goals nina David Licauco at Dustin Yu: