
Naging malungkot ang sana'y masayang balita ni Bianca Gonzalez-Intal tungkol sa bagong bahay na ipinagagawa nila ngayon ng kaniyang PBA cager husband na si JC Intal.
LOOK: Bianca Gonzalez and JC Intal have a new home
Sa Twitter post ng celebrity TV host na si Bianca, makikita ang komento ng isang netizen na nagsabing mayaman ang pamilya ng Kapamilya talent, kaya hindi niya ramdam ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Noong Agosto, pumelo sa 6.4 percent ang average inflation rate sa Pilipinas. Itinuturing na pinakamataas ito sa loob ng siyam na taon.
Food inflation is alarming, not the 6.4% average rate --Philexport official
Sinagot ni Bianca ang opinyon ng netizen, at binigyang-diin na lahat ng tao ay apektado ng inflation sa bansa.
“Lahat apektado ng inflation,” aniya.
“Kasi kayod-kayod para makapagpatayo. Kung hindi kami magsisimula ngayon, mas hindi naming maa-afford pagtagal ng panahon.”