
Mapapanood ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo sa unang pagkakataon sa GMA.
Isa si Bianca sa cast ng upcoming GMA afternoon drama na Magandang Dilag, kung saan isa siya sa mga pangunahing tauhan ng serye.
Gaganap siyang Riley, isa sa mga kontrabida sa Magandang Dilag. Bukod kay Bianca, lalabas ding mga kontrabida ng lead star ng serye na si Herlene Budol ang kapwa nila beauty queen na si Maxine Medina, at ang anak ng action star na si Jestoni Alarcon na si Angela Alarcon.
Mapapanood din sa Magandang Dilag ang mga aktor na sina Benjamin Alves, Rob Gomez, at Adrian Alandy.
Parte rin ng cast ng GMA Afternoon Prime series ang mga batikang aktor na sina Sandy Andolong, Al Tantay, at Chanda Romero.
Isa si Bianca sa mga bagong Kapuso na mapapanood sa GMA. Ipinakilala siya bilang newly-signed artist ng network sa contract signing event titled "Signed For Stardom" na ginanap noong November 2022.
NARITO ANG IBA PANG BAGONG KAPUSO STARS: