
Patuloy na pinag-uusapan sa social media ang naging journey ng Kapuso star na si Bianca Umali sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Marami ang nagsabi na isa si Bianca sa paborito nilang houseguests sa Bahay Ni Kuya.
Mababasa online ang posts ng viewers at netizens tungkol sa Sparkle actress na kalalabas lang ng iconic house.
Napansin ng viewers ang pagiging masipag niya sa mga gawaing bahay at pagiging mahusay sa tasks na natanggap niya mula kay Big Brother.
Ayon pa sa ilang netizens, big winner material si Bianca kung siya raw ay naging official housemate sa Pinoy Big Brother.
Sa kaniyang latest post sa Instagram, inilarawan niya na isang magical experience ang pagiging houseguest niya sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.
Mapapanood si Bianca Umali sa nalalapit na pagpapalabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
RELATED CONTENT: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition