
Kahanga-hanga ang ipinamalas na kakayanan ni Kapuso actress Bianca Umali sa serye ng maiikling video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account kamakailan.
Bumista si Bianca sa isang firing range para magsanay ng wastong paggamit ng baril. Kabilang dito ang tamang pag-asinta, pagtayo, at ilang safety measures.
Iba't ibang kalibre at uri ng baril din ang sinubukan ni Bianca tulad ng handguns, rifles, at semi-automatic o assault weapons.
May paalala naman si Bianca sa mga tulad niyang first time na sasabak sa ganitong uri ng sport.
Sulang niya sa kanyang post, "unang subok sa firing range, tandaan po - ang ganitong skill ay may kaakibat na responsibilidad, disiplina at respeto ang palagi nating unahin."
Bago nito, ipinamalas ni Bianca ang husay niya sa paggamit ng balisong.
Sumabak din siya sa martial arts training bilang paghahanda para sa upcoming telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre.