
Nagbigay ng update si Bianca Umali sa pagbuo ng inaabangang continuation ng iconic telefantasya ng GMA na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Bianca na patuloy pa ring ginagawa ang Sang'gre.
"Nasa proseso pa rin po kami ng pagpapaganda," sabi ni Bianca. "Binubuo po siya kasalukuyan, ang aming mga set up at isinusulat para mas mapaganda pa ang aming mga script.
"Kaya hindi kami lahat makapaghintay na mapanood ninyo kung gaano kaganda ang magiging resulta..."
Kuwento pa ni Bianca nakasama na niya sa set ang iba pang new-gen Sang'gres na sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian, maging ang iba pang cast.
"Maraming beses na kaming nagkakasama sa set pero marami rin na lamang 'yung mga araw na hindi kami magkakasama. Dahil nga sa sobrang ganda kung paano mina-mount 'yung bawat eksena ng Encantadia Chronicles: Sanggre ay nakapokus kami sa kung kaninong eksena ang kailangang tutukan.
"We cannot emphasize more kung gaano kahirap gawin 'yung show. Kung paano nila in-upgrade 'yung set up, 'yung combat, 'yung story, and the effects most especially, so it really takes time," dagdag ng aktres.
Pagbibidahan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: