
Sigurado na ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa kanyang nararamdaman para sa real-life boyfriend na si Ruru Madrid, ngunit paglilinaw ng aktres, hindi pa sila kasal at hindi pa nagsasama, gaya ng mga hakahaka ng netizens.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 29, binalikan ni Boy Abunda ang tanong ni Bianca sa ka-look-alike ng kaniyang real life boyfriend na si Ruru sa segment ng It's Showtime.
Matatandaan na sa segment ng noontime show kung saan hurado si Bianca, ay tinanong niya ang kalook-alike ni Ruru na si Kevin kung kailan ba siya nito pakakasalan. Pag-amin ng aktres, hindi niya inasahan ang magiging reaksyon ng netizens at ang mga magiging ispekulasyon ng mga ito.
“From that moment, nagulat ako, pagka-commercial gap, I checked my phone, hindi ko inakala na ganu'n ang magiging reaksyon ng mga tao, nagkaroon sila ng speculations na 'kasal na ba daw kami,' 'nag-propose na ba sa akin si Ruru,' 'may tinatago ba kaming proposal',” pag-alala ni Bianca.
BALIKAN ANG NAGING BIRTHDAY CELEBRATION NI BIANCA KASAMA SI RURU SA GALLERY NA ITO:
Paglilinaw ni Bianca, hindi pa sila kasal ni Ruru, “Definitely hindi po kami magsasama ng hindi pa po kami kasal."
Ayon kay Bianca ay napag-uusapan na rin naman nila ni Ruru ang kasal, at sinabing alam nilang handa na sila at ang mga puso nila para dito. Ngunit sabi ng aktres ay mas pinipili nilang i-maximize umano ang kanilang individual careers.
"Tanong din talaga siya sa utak ko na totoong 'Kailan?' Nandu'n din siya, siyempre I mean kung gaano ko kamahal si Ruru, and bilang babae, it's something that is very exciting to me,” pagtatapos ng dalaga.