
Excited na ibinahagi ng TV host na si Billy Crawford sa GMANetwork.com na maraming Kapuso stars na ang kanyang nakilala at naka-bonding habang nasa taping ng The Wall Philippines na napapanood na ngayon sa GMA.
Sa panayam kay Billy, inamin niya na naging daan ang nasabing game show upang mas maging masaya ang pagkikita nila ng GMA at Sparkle artists.
Kuwento niya, "Sobrang saya it was a good getting-to-know period sa mga Kapuso artist, para sa akin, para kilalanin sila kasi lumalabas 'yung totoo specially pagdating sa laro. 'Yung competitiveness, 'yung totoong tao na kapag masama 'yung nangyayari mararamdaman mo rin 'yung nararamdaman 'nung naglalaro. So it was a great experience for me to get to know them, specially during the game, siguro its different kung diretso kami ng trabaho, if it's taping, it's something else, pero ito kasi laro."
"Actually, most of the players naman, e, kilala ko and nag-homework din naman ako, nag-research din naman ako kung sino-sino ang makakasama ko at kailangan kong laruin so it was a great experience," dagdag pa niya.
Matagumpay naman ang naging pilot episode ng nasabing game show kung saan buena manong naglaro ang rumored reel-to-real couple at What We Could Be stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na nag-uwi pa ng halos dalawang milyong piso mula sa kanilang paglalaro.
Panoorin naman ang The Wall Philippines kasama si Billy tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG MASAYANG PAMILYA NI BILLY AT NG KANYANG ASAWA NA SI COLEEN GARCIA SA GALLERY NA ITO: