GMA Logo Romeo Gulla and BINI Stacey
Photo by: Screenshot from Romeo Gulla's reel
What's Hot

Biruan nina Meong Lipbite at BINI Stacey, kinaaliwan ng netizens

By Aimee Anoc
Published June 1, 2026 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire razes up to 25 houses in Catbalogan, Samar
Fire razes up to 25 houses in Catbalogan, Samar
GMA Network CMO Lizelle Maralag Named to Campaign Asia-Pacific's APAC Power List 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Romeo Gulla and BINI Stacey


'Kamao' actor Meong Lipbite nang pansinin si BINI Stacey: "Wala na 'ko utang ha, napagbigyan ko na si Stacey."

Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang kuwelang video ng social media personality at Kamao actor na si Romeo Gulla, o kilala rin bilang Meong Lipbite, kasama ang BINI member na si Stacey.

Sa maikling video na uploaded noong Linggo (May 31), mapapanood ang biruan nina Meong at Stacey, kung saan pabirong nagsumbong ang BINI member na hindi pa rin siya pinapansin ng "sobrang pogi" na si Meong.

"Guys, hindi niya pa rin ako pinapansin. Grabe ka na talaga. Sobrang pogi," sabi ni Stacey.

Biro naman ni Meong, kanina pa nagpapapansin sa kanya ang BINI member: "Sabi ko, 'Ano ba, tigilan mo na ako.'"

Dagdag naman ni Stacey, "Actually, kanina pa ako nagpapapansin sa harap."

@meongliit01

Wala na ko utang ha HAHAHAHAH napagbigyan ko na si Stacey

♬ original sound - Meong Lipbite

"Wala na 'ko utang ha HAHAHAHAH napagbigyan ko na si Stacey," caption ni Meong sa kanyang post.

Ipinakita rin ni Meong ang video kung saan nakasabay niya ang BINI sa eroplano.

@meongliit01 Replying to @Stacks nawala angas ko dito #lastpost ♬ original sound - Meong Lipbite

Spotted si Meong sa naganap na Kaogma Festival sa Pili, Camarines Sur noong Sabado, May 30, kung saan nag-perform ang Nation's Girl Group na BINI.

Samantala, abangan si Meong Lipbite sa GMA Afternoon Prime series na Kamao, weekdays, 3:20 p.m., pagkatapos ng Born To Shine.

RELATED CONTENT: Anton Vinzon shares 'Kamao' fulfilled his dreams