
Naghahanap ang upcoming full action series na Black Rider ng mga tunay na delivery riders para mapasama sa serye.
At dahil alam ng produksiyon ng serye na napaka-busy ng buhay bilang isang rider, ginawa na rin nilang napakadali ng proseso para mag-audition dito.
Kailangan lang mag-post ng video sa social media kung saan maipapamalas ang inyong talento gamit ang hashtag na #SamaAkoBlackRider.
Pipiliin ng produksiyon ng Black Rider ang pinaka nakaaaliw at kamangha-manghang riders para mabigyang na pagkakataon na maging bahagi ng serye.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Pagbibidahan ito ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, kasama sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili at marami pang iba.
Source: rurumadrid8 (IG)
SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:
Nagsimula nang mag-taping ang serye ng ilan sa mga maaksiyong eksena na talaga namang pinaghandaan ng cast nito.
Ikaw na ba ang makakasama ni Ruru Madrid sa pinakabago niyang biyahe sa primetime? Mag-audition na para sa pagkakataong maging bahagi ng upcoming action series na Black Rider.
Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.