GMA Logo Kylie Padilla and Rayver Cruz
What's on TV

Bolera: Bolera versus El Salvador, sino ang aabante sa laban?

By Aimee Anoc
Published August 23, 2022 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Rayver Cruz


Matapos na matalo kina Golden Eye at Cobrador, haharapin ngayon nina Joni at Miguel ang isa't isa.

Sa huling apat na gabi ng Bolera, kinakailangang harapin nina Joni (Kylie Padilla) at Miguel (Rayver Cruz) ang isa't isa matapos na kapwa matalo sa una nilang mga laban.

Sa unang round ng 2022 Philippines 9-Ball Cup, ang pinakamalaking billiards tournament sa bansa, nabigong maipanalo ni Joni ang laban kay Golden Eye (Klea Pineda) nang muling manlabo ang paningin nito. Gayundin, hindi naipanalo ni Miguel ang laban kay Cobrador (Gardo Versoza).

Kahit na natalo sa unang laban, masaya si Joni na makitang proud at sinusuportahan siya ng kanyang ina.

Ngayon, para makaabante sa susunod na laban, kinakailangang matalo ni Joni ang dating kasintahan. Magiging patas kaya ang laban o mas mananaig ang pagmamahal ni Miguel para sa ating Bolera?

Patuloy na subaybayan ang huling apat na gabi ng Bolera, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG BEST MOMENTS NINA JONI AT TOYPITS SA BOLERA RITO: