GMA Logo Kylie Padilla Jak Roberto and Rayver Cruz
What's on TV

Kylie Padilla, Team Miguel o Team Toypits sa 'Bolera?'

By Aimee Anoc
Published August 22, 2022 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla Jak Roberto and Rayver Cruz


Sino nga ba kina Miguel at Toypits ang nais na end game ni Kylie Padilla para kay Joni? Alamin dito:

Sa nalalapit na pagtatapos ng Bolera, bukod sa inaabangang laban nina Joni (Kylie Padilla) at Cobrador (Gardo Versoza), nasasabik na rin ang mga tagasubaybay nito na malaman kung sino kina Miguel (Rayver Cruz) at Toypits (Jak Roberto) ang pipiliin ni Joni sa huli.

Sa media conference ng Bolera para sa huling linggo nito, sinagot ni Kylie kung sino nga ba kina Miguel at Toypits ang gusto niyang makatuluyan ni Joni.

"'Yung honest talaga, Toypits ako e," natatawang sabi ni Kylie. "Ano kasi e, iba kasi. Sa umpisa pa lang inalagaan na ni Toypits si Joni. Pero gets ko rin naman kasi ang hirap nu'n kung best friend lang naman talaga ang tingin ni Joni kay Toypits, hindi talaga mangyayari 'yun. Na-in love talaga siya kay Miguel."

Para naman kina Rayver at Jak, parehong "deserve" ni Joni sina Miguel at Toypits. Ani ni Rayver, "Magkaibang-magkaiba kasi 'yung character ni Toypits at saka ni Miguel. Magkaiba sila ng personality, magkaiba 'yung atake nila as a human being. Pero at the end of the day kasi 'yung pagmamahal nila kay Joni is 110 percent, same nilang mahal na mahal 'yung taong 'yun.

"Magkaiba lang ng pinanggalingan kasi si Toypits from best friend and then si [Miguel] una nakabangga niya and then na-in love sa kanya, napamahal sa kanya. 'Yun ang magandang abangan ng mga tao. At the end of the day kahit kanino man mapunta si Joni, blessed siya na magkaroon siya ng dalawang taong ganu'n sa buhay niya."

Dagdag ni Jak, "Ito 'yung literal na mahal ko o mahal ako. Kasi si Toypits talagang mahal na mahal niya si Joni. Si Joni naman mahal niya si Miguel. Nakakatuwa na naibigay namin 'yung purpose na kailangan mahati namin 'yung audience naming dalawa ni Miguel.

"Since ganoon po ang reactions ng tao, nakakatuwa. Abangan nila kung sino talaga ang pipiliin ni Joni dahil iyon 'yung pinakamahirap na bagay na gagawin ni Joni. Kumbaga 'yun 'yung challenge ni Joni sa ending, so abangan nila."

Patuloy na subaybayan ang huling linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG BEST MOMENTS NINA JONI AT TOYPITS SA 'BOLERA' RITO: