
Sinigurado ni Boobay na under control ang kanyang kondisyon na absence seizure dahil sa kanyang maintenance medicines at pagpapa-check up.
Noong Enero, matatandaan na hinimatay si Boobay habang nagpe-perform sa isang event sa Bansud, Oriental Mindoro.
"Okay naman na, siguro nagpasaway na naman ako that time talaga. Tumuhog na naman ako. Gusto ko lang ikuwento na bago 'yon, hindi ko rin kasi inexpect din na gano'n kalayo pala 'yung pupuntahan namin ni Tekla," kuwento ni Boobay sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.
Dagdag pa niya, "Before ako nag-show doon, galing muna ako ng Tondo, sa fiesta doon. Dumiretso na ako agad-agad ng pa-Batangas."
Aminado naman si Tekla na siya'y kinabahan sa nangyari sa kanyang co-host.
Aniya, "Nangangatog ako. Siyempre 'yung ano, paano mo i-explain."
Dugtong ni Boobay, "At doon ko na-appreciate si Tekla. Ang galing niya, partner talaga siya."
Sabi pa ni Tekla, "Dun mo talaga masasabing the show must go on. On that moment biglang 'ha?' 'Di mo alam, so kailangan may instant ka doon na back-up. 'Tapos 'yung mga tao nakatulala, akala nila prank lang."
Dagdag naman ni Boobay, "Pagka-pull out sa akin sa stage, sinalo agad ni Tekla. Kaya nakabalik ako na gano'n pa rin kataas 'yung energy."
Related gallery: Boobay and Tekla, very grateful for the continued support they are getting
Samantala, malapit nang mapanood ang comedy duo na sina Boobay at Tekla sa bagong TBATS On The Go!, na siguradong magbibigay ng nonstop tawanan at saya sa mga manonood.
Sa parehong "Chika Minute" report, ibinahagi ng seasoned comedians ang kanilang excitement para sa kanilang programa.
"Mas na-excite kami 'di ba kasi hindi lang kami nasa loob ng studio nga, kundi nakakapagliwaliw na kami. Nakakapunta na kami sa mga lugar na I'm sure ang tagal nang pinapangarap ng mga Ka-TBATS natin, tinatawag nating silang ka-TBATS On The Go, na mapuntahan namin, at ito na," pagbabahagi ni Boobay.
Kaabang-abang din sa TBATS On The Go! ang gagamitin nina Boobay at Tekla na Laff Bus.
"Lahat ng umpisa ng aming kwento, from the bus. Makikipagsalamuha tayo sa kanila. Kung saan man sila, pupuntahan natin," ani Tekla.
Panoorin ang buong panayam dito: