
Simula na ng boot camp para sa P-Pop hopefuls ng Born to Shine!
Nitong Lunes, April 20, ay dumating na sina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Yuna (Mitzi Josh) at Nancy (Gaea Mischa) sa boot camp na inihanda ng Astra Music para hanapin ang mga bubuo sa pinakabagong P-Pop girl group!
Sa boot camp ay nakilala na nina Jeni ang bago nilang coaches; si Coach Jaime (Rodjun Cruz), ang kanilang dance coach, si Coach Cali (Gwen Zamora) na magsisilbing Character Development Coach at magha-handle ng general appearance at image nila, at si Coach Sam (Marx Topacio), ang kanilang Physical Fitness trainer.
Magsisilbing head coach at vocal coach naman sa kina Jeni si Giovanna “Vanna” Grande (Sheryl Cruz) na siya ring magdedesisyon kung papasa ba sila o maliligwak mula sa naturang boot camp.
Sa katunayan, sa unang araw pa lang ay napag-initan na niya si Jeni dahil simula pa lang ng araw ay nakatulog na ito na para sa naturang head coach ay hindi pagseseryoso ni Jeni sa boot camp. Dahil dito, ilang beses naparusahan si Jeni ni Vanna.
TINGNAN KUNG ANO ANG NAGANAP BEHIND THE SCENES SA ' BORN TO SHINE' MEDIA CON SA GALLERY NA ITO:
Ngunit kalaunan ay ipinamalas ni Jeni na kaya niya ang mga pinapagawa ni Vanna at may kakayanan siyang manatili sa boot camp.
Ito pa lamang ang simula ng kanilang mahirap na training dahil pangako ni Vanna, marami pa silang hirap na pagdadaanan para maging matagumpay na P-Pop stars.
Abangan ang bagong paglalakbay na ito ni Jeni sa mundo ng showbiz sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.