GMA Logo Prima donnas boys
What's on TV

Boys ng 'Prima Donnas,' mapapanood sa Playlist Live ngayong Sabado!

By Cherry Sun
Published May 19, 2020 4:03 PM PHT
Updated May 21, 2020 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Prima donnas boys


Ang Prima Donnas boys naman na sina Will Ashley, Julius Miguel at Vince Crisostomo ang manghaharana sa atin sa Playlist Live!

Kasunod ng successful stay-at-home Playlist Live nina Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo, ang Prima Donnas boys na sina Will Ashley, Julius Miguel at Vince Crisostomo naman ang makaka-jam at makakakulitan natin ngayong Sabado, May 23.

Sina Sofia, Althea at Elijah ang bumida sa kauna-unahang Playlist Live mula nang magsimula ang enhanced community quarantine.

Hindi naman magpapahuli ang boys dahil sila ang manghaharana at makakakuwentuhan ninyo sa ikalawang Playlist Live stay-at-home version. Makakasama rin nina Will, Julius at Vince si Elijah bilang host.

Tutok na ngayong Sabado, May 23, 7 P.M. sa GMANetwork.com/Playlist, Facebook pages ng GMA Network at GMA Playlist, GMA Network Twitter account, at GMA Playlist YouTube channel.

Huwag ding kalimutang gamiting ang official hashtag na #PrimaDonnasOnPlaylistLive para makasali sa kuwentuhan!


Althea Ablan, nakatanggap ng 5k na ayuda mula kay Will Ashley?

Elijah Alejo, nilinaw na hindi sila magkaaway ni Jillian Ward

'Prima Donnas' star Will Ashley covers South Border's 'Ikaw Nga'