
Sa pagpasok ni Ha Jae-kyung sa eksena, mas lalong nalagay sa alanganing posisyon ang relasyon nina Geum Jan-di at Gu Jun-pyo.
Hindi man lantarang pinapakita ni Jan-di, masakit para sa kanyang nakikitang magkasama sina Jae-kyung at Jun-pyo.
Hindi rin niya masabi sa fiancée ni Jun-pyo ang tunay na estado ng kanilang relasyon dahil bukod sa mabait ito at malinis ang intensyon nitong maging asawa ni Jun-pyo.
Wala rin namang magawa si Jun-pyo kundi hayaan na lang ang paglapit sa kanya ni Jae-kyung dahil naiipit siya sa sitwasyon.
Ipinipilit ng nanay niya ang arrange marriage nila. Isa pa, pabor din dito si Jae-kyung dahil unti-unti na siyang nagkakagusto kay Jun-pyo.
Sa panahong ito, si Ji-hoo ang laging nakaalalay kay Jan-di. Sinisiguro niyang nasa maayos na kalagayan ang dalaga at ibinibigay niya rito ang atensyon na deserve niya.
Dati nang napagtanto ni Yoon Ji-hoo na gusto niya si Jan-di at kahit alam naman niyang si Jun-pyo ang mahal ng huli, handa pa rin siyang pasayahin si Jan-di sa paraang alam niya.
Kahit masakit masakit para kay Jun-pyo ang isiping mas nakakasama at naaalagaan ni Ji-hoo si Jan-di sa halip na siya, alam niyang para ito sa ikabubuti ng dalaga.
Ayaw niya ring ilagay sa peligro ang buhay ni Jan-di dahil labis ang pagtutol ng nanay niya sa relasyon ni Jan-di.
Kahit anong gawin ni Jun-pyo na paglimot kay Jan-di ay hindi niya magawa dahil ito talaga ang isinisigaw ng kanyang puso. Hanggang isang araw ay bumigay na si Jun-pyo at sinunod ang kanyang damdamin.
Muli niyang nilapitan si Jan-di at ipinaramdam na kahit may fiancée na siya, si Jan-di pa rin ang babaeng gusto niyang makasama at siya lang mahal niya.
Sa pagkakataong ito, muli na niyang binuksan ang sarili niya sa posibilidad na kaya pa niyang isalba ang relasyon nila.
Kaya niyang salungatin ang utos ng kanyang ina para makasama si Jan-di at gagawin niya ang lahat para hindi na pakawalan pa ang nag-iisang babae na minahal niya.
Kahit niyang mali, masaya si Jan-di dahil unti-unti nang nanunumbalik ang masigla nilang relasyon ni Jun-pyo.
Pero hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan? Ano ang kaya nilang isakripisyo para sa kanilang kaligayahan?
Subaybayan ang Boys Over Flowers mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 ng gabi, sa GTV!
Samantala, mas kilalanin ang cast ng Boys Over Flowers sa gallery na ito: