
Inamin ng Sparkle actor na si Bruce Roeland na wala pa siyang nagiging karelasyon at maging ang na-link sa kanya noon na si Althea Ablan ay hindi niya naging girlfriend.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, game na nakipagkuwentuhan si Bruce kasama ang kanyang co-actor sa Asawa Ng Asawa Ko na si Joem Bascon.
Dito ay ikinuwento ni Bruce ang muling pagkikita nila ng kanyang ama nang magtungo siya sa Belgium.
Matapos ito, tinanong ng batikang TV host na si Boy Abunda si Bruce, “Kung sasabihin ng Tatay mo, 'Are you still stalking your ex?' Ano ang sasabihin mo?”
Agad na napangiti si Bruce sa tanong ni Boy. Aniya, “Okay. I'll clear it up, Tito Boy kasi I never had a relationship before, until now I never had.
“But that girl I liked and sometimes I still stalk her to see how she's doing.”
“A, but hindi ka nanligaw?” sunod na tanong ni Boy.
“Never,” sagot naman ni Bruce.
“Does she know na gusto mo siya?” pag-uusisa pa ni Boy.
“A, yes naman,” tugon naman ng aktor.
“Puwede namin malaman kung sino?” tanong pa ng TV host.
“Siyempre naman sasabihin ko na lang Tito Boy for you siyempre. I have respect for her and I'm very happy about our career…that girl is Althea Ablan,” ani Bruce.
Dagdag pa niya, “I have nothing against her.”
Isa sa mga Sparkle love team noon sina Bruce at Althea. Nagkasama na sila sa maraming Kapuso serye gaya na lamang ng Prima Donnas.
Samantala, inamin na rin kamakailan ni Althea na officially in-a-relationship na sila ng Kapuso hunk na si Prince Clemente.