
Mas pinasaya at mas pinabongga ang Sunday primetime ng Bubble Gang dahil gusto namin ang 'Best Time Ever' para sa inyo mga Ka-Bubble!
Level-up entertainment, tawanan at jokes ang linggo-linggo n'yo mapapanood sa multi-awarded gag show ng bansa simula March 17.
Sa pangunguna ng comedy icon na si Michael V., we will make sure na sulit ang bonding moment n'yo with your family and friends para sulit ang pagre-relax.
And this weekend, abangan ang mga A-list showbiz personalities at comedy stand out na magco-cross over at maghahatid ng “chew-tastisc” moments sa ating lahat tulad nina King of Talk Boy Abunda, Boobay, at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
RELATED CONTENT: KILALANIN ANG ILAN SA MGA FORMER KA-BUBBLE STARS
Sasamahan din si Direk Michael ng ating talented Ka-Bubble barkada at mga celebrity guests tulad ni Sparkle 10 member Faith da Silva at makikigulo rin sina Joross Gamboa at Mika Salamanca!
Best-of-the-best din ang good vibes na mapapanood n'yo sa mga sketches na: 'Mr & Mrs', 'Love in Space', at 'Morgue.'
Stay at home, mga Ka-Bubble at manood ng Bubble Gang sa oras na 6:15 p.m., ngayon March 17 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.