GMA Logo analyn barro and kokoy de santos
What's on TV

Bubble Gang: Lulu, aakusahang pervert si Kuyang Kulot

By Aedrianne Acar
Published July 30, 2026 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Brake failure sends truck crashing in Benguet
No order to make banks, e-wallets transfer fees zero, BSP clarifies 
Bea Alonzo and Anne Curtis collaborate for beauty and bag collection

Article Inside Page


Showbiz News

analyn barro and kokoy de santos


Maeeskandalo si Lulu (Analyn Barro) sa isang sale dahil kay Kuyang Kulot (Kokoy de Santos)!

"More tawa, more saya" ang natanggap ng viewers mula sa episode ng longest-running gag show ng bayan na Bubble Gang nitong Linggo ng gabi, July 26.

Nakamit ng flagship comedy program ng GMA-7 ang 5.3 percent na TV ratings base sa NUTAM People Ratings.

Habang nasa isang mall sale, napansin agad ni Lulu (Analyn Barro) ang isang lalaking nakaputi na sinusundan siya ng tingin.

Tama kaya ang hula ng 'pa-main character' na si Lulu na gusto siya ni Kuyang Kulot (Kokoy de Santos) dahil sa kaniyang alluring beauty?

Tumama na kaya siya this time around or delulu pa rin si ate?

Balikan ang "Lulu Delulu" sketch kung saan bumida sina Analyn Barro, Kokoy de Santos, Cheska Fausto, at Andrea Torres.

Feelingerang shoplifter

Heto pa ang ibang funny moments ng Pambansang comedy show ng Pilipinas.

Darkna, ang superhero na 'di kita!

Literal na dark superhero!

Signs na kloseta ang isang lalaki

Surprise sa ngipin!

Fake PWD

Cancer ka ba?

Patawag ko mama mo!

Partygoer o gatecrasher?

Walking red flag