
Talagang wow ang naramdamang suporta ng buong Bubble Gang team sa pangunguna ni award-winning comedian at content creator Michael V. sa mataas na ratings na nakamit ng gag show para sa first part ng “Bente O-chew” anniversary presentation.
Kung nabitin pa kayo sa matitinding tawanan, itotodo na ng ating Ka-Bubble barkada ang good vibes sa second part ng grand anniversary ng Bubble Gang.
Worth it ang paghihintay ng Linggo dahil mapapanood n'yo na ang collaboration ni Direk Bitoy at ng hit OPM band na Dilaw!
Tiyak magugustuhan ninyo ang concert performance nila sa pagkanta ng viral parody song na “Oh Wow.”
Maghahatid din ng good times ang ating mga special guests na sina Herlene Budol, chef-vlogger Ninong Ry, John Feir, Pekto, at ang Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Kaya piliin tumambay sa inyong mga bahay at manood na ng all-out fun na hatid ng Bubble Gang ngayong Linggo ng gabi, November 26, sa oras na 6:35 p.m.
MEET THESE TALENTED KA-BUBBLE GRADUATES IN THESE GALLERIES: