GMA Logo Buboy Villar
buboyvillar (IG)
What's on TV

Buboy Villar, ginaya ang madamdaming boxing scene ni Miguel Tanfelix

By Marah Ruiz
Published June 30, 2026 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TIMELINE: The plunder case vs. Rodante Marcoleta over P75M campaign contributions
Meet THIRDS: The rising band born from friendship and love for emo music
Flies pester residents of Negros Oriental towns

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Ginaya ni Buboy Villar ang madamdaming boxing scene ni Miguel Tanfelix sa 'Taskforce Firewall.'

Good vibes ang hatid ni Kapuso comedian Buboy Villar sa sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Gumaganap siya sa serye bilang Jhay-Jhay, drone expert ng cybercrime division.

Patok ang mga hirit ng karakter na nagpapagaan ng mabibigat ng eksena ng grupo.

Image Source: gmadrama (Instagram)



Tila ganito rin si Buboy sa tunay na buhay nang gayahin niya nag isang madamdaming eksena ng co-star na si Miguel Tanfelix mula sa serye.

Sa maikling video na ibinahagi ni Buboy sa Instagram, makikita siyang nagpapaulan ng suntok sa sipa sa isang punching bag habang kunwaring umiiyak.

"'Yung si Galo, noong nawala si Emma," pahayag ni Buboy sa simula ng video.

"Sakit noon, man! Sakit!" dagdag niya sa dulo ng video.

Tinag pa ni Buboy si Miguel sa kanyang post.

"Ganito ba yun Galo?! @migueltanfelix_," sulat niya sa caption.

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)

Ang eksenang ginaya ni Buboy ay ang emosyonal na paglalabas sama ng loob ng karakter ni Miguel na si Galo matapos mamatay ang karakter ni Lexi Gonzales na si Emma.

Sa pagkawala ni Emma, magkakaroon ng lamat ang tiwala ng team sa isa't isa at sa kanilang mga sarili.

Kukuwestiyun ni Isa (Kylie Padilla) ang kakayanan bilang leader ng grupo.


Samantala, patuloy namang hahanapin ni Galo ang nawawalang kapatid salamat sa huling clue mula kay Emma.

Tumutok sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.