GMA Logo Running Man Philippines cast on Unang Hirit
What's on TV

Buboy Villar, mas challenging daw ang mga 'RMPH' mission dahil sa winter season sa South Korea

By Aedrianne Acar
Published January 10, 2024 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DPWH Sec. Dizon at the Ombudsman (Jan. 12, 2026) | GMA Integrated News
Over 1,100 families flee as Mayon unrest continues
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines cast on Unang Hirit


Naging masaya ang kulitan sa 'Unang Hirit' kanina dahil sa cast ng 'Running Man Philippines' na bumisita sa programa. Paano kaya sila naghahanda bago sila tumulak sa South Korea sa susunod na linggo? Alamin DITO!

Magiging hamon para sa Running Man Philippines cast member na si Buboy Villar ang panahon sa South Korea sa pagsabak nila sa mga matitinding mission at challenge sa season two ng hit Kapuso reality show.

Hindi raw biro ang haharapin nilang weather sa Korea na maaring bumagsak ang temperatura sa minus 20 degrees dahil sa winter season.

Sa panayam ng Unang Hirit barkada kay Buboy ngayong Miyerkules, January 10, first time daw ng Kapuso comedian na ma-experience ang taglamig.

Saad niya, “Siyempre nung una kaming dumating doon humid, so iba rin 'yung challenge 'pag humid kasi nga kapos kasi sa hangin.”

Pagpapatuloy ng Bubble Gang comedian, “Pero kasi ngayon winter, 'tapos ako first time ko. So, iba 'yung pakiramdam ngayon. Siyempre 'yung background ngayon namin maglalaro kami kasama 'yung snow. Hindi namin alam, baka mamaya patalunin kami sa tubig, [tapos] nakahubad ang damit. Wala kaming tracksuit puwede 'yung ganun.”

“Pero sana ang pinakaaabangan dito 'yung mukbangan. Sana may masarap na pagkain sa taglamig.”

“Sobrang excited alam mo, hindi na ako natutulog sa room ko. Natutulog ako sa freezer.” biro ni Buboy.

Mikael Lexi and Buboy on Unang Hirit

Related Gallery: Bonding moments ng ng Running Man PH cast:

Nakasama rin sa guesting ng comedian-vlogger sa Unang Hirit ngayong araw sina Mikael Daez at Lexi Gonzales.

Sumabak din ang tatlo sa “Word Arte” challenge kung saan nakalaban nila ang UH barkada na sina Matteo Guidicelli, Sunsan Enriquez, at Shaira Diaz.

Sino kaya sa Team Running Man at Team UH Barkada ang nagwagi?