
Sa unang linggo ng fantasy series na Buck, lumipat sina Elias (Bram Spooren) kasama ang kanyang ina na si Katrien (Ina Massez) at mga kapatid na sina Hanne (Ina De Winne) at Laura (Tine Roggeman) ng tahanan malapit sa pinagtatrabahuhan ng kanilang nanay.
Nagkaroon ng away sa pagitan ng dalawang kapatid ni Elias dahil sa kanilang bagong shared room.
Nagalit naman ang binata nang makitang tinapon ni Laura ang kanyang Buck Sci-Fi comics ngunit tila nabighani ito nang masulyapan ang kanyang kapitbahay na si Mona (Annabet Ampofo).
Samantala, habang nakahinto ang kanyang video game, isang kidlat ang naging sanhi kung bakit ang video game hero na si Buck ay biglang napunta sa totoong buhay. Agad itong nagtago sa ilalim ng kama ng binata bago nilibot ang bahay nito.
Inobserbahan ni Buck ang mga tao at nagtago habang si Elias ay nag-aayos para pumasok sa eskuwela.
Masungit naman na sinagot ni Buck ang tawag mula sa cellphone ng nanay ni Elias at nasisi ang binata. Matapos ito, nadiskubre ni Elias si Buck sa loob ng kanyang wardrobe.
Subaybayan ang Buck tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m., sa GMA.