GMA Logo Camille Prats Angelica Panganiban friendship
Celebrity Life

Camille Prats, Angelica Panganiban, nagkita muli kasama ang kanilang mga mini me

By Kristian Eric Javier
Published May 22, 2025 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats Angelica Panganiban friendship


Muling nagkita ang childhood friends at former 'Princess Sarah' co-stars na sina Camille Prats at Angelica Panganiban.

Matapos makipag-reunite kay Miss Minchin Jean Garcia, nagkita naman muli sina "Princess Sarah" Camille Prats at "Becky" Angelica Panganiban kasama ang kanilang mga "mini-me."

Sa kaniyang Instagram page, nag-post si Camille ng ilang litrato kasama si Angelica, at kanilang mga anak na sina Nala at Bean.

Caption ng Mommy Dearest actress sa kaniyang post, “The Becky to my Sarah, the Nikka to my Rosalie and the Jelai to my Roni 🥰 From childhood besties to raising little versions of ourselves--what a surreal and beautiful full-circle moment.”

Ipinahayag din ni Camille kung gaano siya ka-grateful para sa “gift of friendship” ni Angelica na aniya ay umuusbong kasabay ng panahon.

“Happy to see you always sis! Looking forward to our long overdue chika and the launch of your theater show!” pagtatapos ni Camille sa kaniyang post.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG CELEBRITY BESTFRIENDS NA BBF GOALS NG MARAMI SA GALLERY NA ITO:


Komento naman ni Global Fashion Icon Heart Evangelista sa post ni Camille, “Awwwwww❤️❤️❤️❤️❤️ gagandaaaaaaaaaaaaaa.”

Isang netizen din ang nagpahayag kung gaano sila kasaya na makitang nag-reunite na ang dalawang aktres.

Bumida sina Camille at Angelica sa 1995 film na Sarah, Ang Munting Prinsesa bilang sina Sarah at Becky. Kamakailan lang ay nag-reunite din sina Camille at Jean, ang gumanap naman bilang si Miss Minchin sa parehong pelikula.

Abala ngayon si Camille Prats sa kanyang pagganap bilang si Olive sa hit Afternoon Prime series na Mommy Dearest habang naghahanda naman si Angelica para sa unang pagsabak niya sa teatro. Bibida ang aktres sa stage play na Don't Meow for Me, Catriona ni Ryan Machado.