
Napuno ng saya ang afternoon talkshow na Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 3, nang bumisita ang Mommy Dearest stars na sina Camille Prats at Katrina Halili.
Sa kanilang kuwentuhan kasama ang King of Talk na si Boy Abunda ay binalikan ng dalawang aktres ang trending na sword fight nila sa isa sa mga episodes ng hit reality afternoon series.
Sa kabila ng positibong reaksiyon ng mga manonood sa naturang scene, aminado si Camille na ayaw niya raw itong gawin noon.
Pagbabalik-tanaw ng kaniyang co-star na si Katrina. “[Sabi ko kay Camille], 'Mars, gagawin daw natin 'yung sword fight scene.”
Kuwento naman ni Camille. “To be honest, umaalma talaga ako noon, Tito Boy. I didn't want to do the scene. I wasn't comfortable to do the scene because I did not see why we needed to do that. [...] I'm like 'Why do we need to do the scene?' I feel like medyo hindi naman siya kailangan talaga.”
RELATED GALLERY: Behind-the-scenes of 'Mommy Dearest' photo shoot
Ngunit matapos umanong makipag-usap sa mga creatives at ng malalim na repleksiyon sa kaniyang karakter na si Olive ay naintindihan din ni Camille ang kuwento sa likod ng nasabing scene.
“They explained to me na it's an effort talaga [na] 'yung scene na 'yun is really created para mapag-usapan siya. So I'm like, kasi ako, gusto ko magkaroon ng parang 'anong pinanggagalingan ko as my character for me to do this?' I also want to take into consideration as an audience; how would the audience take this, 'di ba?” kuwento ni Camille.
Dagdag nito, “Tapos parang na-realize ko na lang siguro si Olive naman, sa sobrang coocoo, 'di ba, she would do whatever. So sabi ko, sige, 'yun na lang ang magiging motivation ko bilang si Olive naman ay talagang may something sa isip. Mukhang wala naman siyang aatrasan talaga.”
Mapapanood ang Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.
PANOORIN ANG TRENDING NA SWORD FIGHT NINA CAMILLE PRATS AT KATRINA HALILI RITO