GMA Logo Camille Prats at Suzi Entrata Abrera
What's on TV

Camille Prats at Suzi Entrata-Abrera, binalikan ang simula ng kanilang pagiging 'Mars'

By Jimboy Napoles
Published July 3, 2024 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Kim Atienza celebrates 15 Years of partnership with wellness brand
9,000 tricycle drivers in Bacolod qualify for DSWD fuel subsidy

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats at Suzi Entrata Abrera


Binalikan nina Camille Prats at Suzi Entrata-Abrera ang kanilang nabuong friendship at fun memories sa dati nilang talk show na 'Mars'.

Full of energy na bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan ang magkaibigan at dating Mars hosts na sina Camille Prats-Yambao at Suzi Entrata-Abrera.

Sa panayam sa kanila ng King of Talk na si Boy Abunda, ikinuwento ng dalawa na una pa lamang sa Mars ay naging magkasundo na sila

“I like Camille very much. I would do nanay-nanay shows and before, talk shows a long time ago. Naggi-guest naman si Camille, so kilala ko siya,” ani Suzi.

Aminado rin sina Camille at Suzi na nami-miss na nila ang kanilang dating talk show na Mars na kalaunan ay tinawag ding Mars Pa More.

“I think it's seeing each other regularly and every episode, siyempre, katulad din dito, iba naman siya nang iba e. So may favorites kami, meron kaming tumatak na sa isipan namin,” ani Suzi.

Ayon pa sa seasoned host, masaya siya na marami silang na-experience at natalakay sa dati nilang programa ni Camille.

Aniya, “When we first started doing Mars, lagi kaming may sore throat ni Camille. Sa sobrang excitement namin, pasigaw kaming lahat all the time. Gano'n kami ka-excited. And it's so varied also kasi may workout, may luto, as in, everything.”

Para naman kay Camille, nami-miss niya rin ang nabuo nilang pamilya set ng dating programa kasama ang staff at crew.

“Siyempre the people in the studio, kami-kami ang magkakasama, it became a family. And we were doing that for eight long years. And then added Mars Pa More, seven years and three years. So pamilya talaga,” ani Camille.

Pero paglalahad ni Camille, no'ng una ay nanibago siya sa transition niya mula sa pagiging aktres papunta sa pagiging isang host.

Aniya, “Siguro sa end ko, siyempre mas kinakabahan ako kasi alam ko that she's (Suzi Entrata-Abrera) a seasoned host. And when I did Mars, I was not a host, I was an actress. So medyo naguluhan ako noong sinabi na I am hosting Mars kasi parang, why all of a sudden a hosting job?”

Hunyo 2012 nang unang umere ang Mars sa GMA News TV na pinalitan ng pangalang Mars Pa More makalipas ang pitong taon at inilipat ito sa main channel na GMA. Noong 2022 nang matapos umere ang programa.

Samantala, mapapanood pa rin si Suzi sa morning show na Unang Hirit habang balik naman sa pag-arte si Camille sa bagong Kapuso show na Mommy Dearest kasama si Shayne Sava.


RELATED GALLERY: Camille Prats at Suzi Entrata, miss na ang 'Mars': 'Sobra'