GMA Logo Camille Prats and Antoinette Taus
Courtesy: Camille Prats Yambao (YouTube)
What's Hot

Camille Prats reveals she was Antoinette Taus's 'dakilang buntot'

By EJ Chua
Published May 9, 2023 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos in Czechia, Germany celebrate Sinulog in Prague
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats and Antoinette Taus


Muling naka-bonding ni Camille Prats ang isa sa mga itinuturing niyang ate sa showbiz na si Antoinette Taus.

Sa pamamagitan ng vlog ni Camille Prats na CamCookwithMe, muli niyang nakabonding ang kapwa niya teen star noon na si Antoinette Taus.

Sa caption pa lang ng vlog ni Camille, mababasa na ang ilang detalye kung paano nagsimula ang friendship nila ni Antoinette.

Isa sa binanggit ng aktres ay ang pagiging 'dakilang buntot' niya noon kay Antoinette habang nang maging magkatrabaho sila sa ilang TV shows at mga pelikula.

Ayon sa caption niya, “Fun catch up reunion with my ate Toni whom as a child, I already look up to. We met on Ang TV, we're together in my very first film Hindi Pa Tapos Ang Labada, Darling and Oki Doki Doc. I'm her 'dakilang buntot' following her around copying everything she does lalo na makeup…”

Kung si Camille ay proud na dakilang buntot noon ni Antoinette, ang huli naman ay sinabing ang una ay itinuturing niya talaga na baby sister.

Pagluluto at chikahan ang naging bonding nila, kung saan habang inihahanda ang kanilang pagkain ay inalala nila ang kanilang mga naranasan noon bilang teen stars.

Kabilang na rito ang ilang bonding moments nilang dalawa habang nasa shoot ng Hindi Pa Tapos Ang Labada, Darling, kung saan naging playmates daw nila sina Danica at Oyo Sotto dahil ang pelikula ay pinagbidahan nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Bukod sa mga nabanggit, muli ring ipinaliwanag ni Antoinette ang tunay na dahilan kung bakit nawala siya noon sa show business.

Ibinahagi rin nila na madalas daw silang mapagalitan noon dahil sa kanilang 'adventure time' at page-explore sa loob ng studios na kanilang napupuntahan.

Panoorin ang latest bonding moment nina Camille at Antoinette sa video na ito:


Samantala, kasalukuyang napapanood si Camille sa GMA drama series na AraBella, habang si Antoinette naman ay abala ngayon bilang isang humanitarian. Siya rin ay UNEP Goodwill Ambassador at Founder ng non-profit organization na CORA Philippines.

SILIPIN ANG JAW-DROPPING PHOTOS NI CAMILLE PRATS SA GALLERY SA IBABA: